Tinaasan na kasi ang halagang maaaring mahiram ng mga pag-ibig member habang binabaan naman ang interes dito.
Ayon kay Pag-IBIG Fund President at CEO Atty. Darlene Berberabe, itinaas na sa P6 Million ang maximum loanable amount para sa housing loans kung saan mula sa 11.5% ay ibinaba sa 6.5% ang interest rates.
Sa general meeting ng 11th Employers Confederation of the Philippines., ipinagmalaki rin ni Berberabe na ang repormang ito ay naisagawa kahit hindi tinaasan ang monthly premium na P100.
Sinabi ni Berberabe na ang mga wage earners naman ay 4.5% na lamang ang babayaran.
Sa calamity loan naman, papalo na lamang sa 5.95% ang ipapataw na interes sa mga miyembro ng pag-ibig mula sa dating 10.75%.
Binanggit din ni Berberabe na nakapagtala ang Pag-IBIG ng kabuuang kita na P16 billion noong 2014.
By: Jelbert Perdez