Magsisimula na ngayong araw ang Local Absentee Voting na tatagal hanggang Biyernes, Abril 29.
Para ito sa mga magtatrabaho sa mismong araw ng halalan sa Mayo a – 9.
Ayon sa Comelec, nasa 84, 357 ang eligible bumoto para sa absentee voting.
Pinakamarami ang mga pulis na nasa 47K, mga sundalo na nasa 34K at mahigit 900 mula sa hanay ng media.
Ang pinuno ng bawat tanggapan ang mamamahagi ng balota para sa hanay ng AFP at PNP, habang magtutungo sa Comelec – NCR ang media.