Epektibo na ngayong araw ang local absentee voting para sa 2016 presidential election.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), maari nang bumoto ang halos 25,000 mga indibiduwal na inaprubahang maunang makaboto bago pa man ang May 9 elections.
Kabilang dito ay ang ilang opisyal at empleyado ng gobyerno, mga pulis at sundalo at mga miyembro ng media na nakarehistro ngunit hindi makaboto sa mismong araw ng eleksyon dahil pagtupad sa tungkulin.
Maaari lamang iboto ng mga nasa ilalim ng LAV ay ang pangulo, pangalawang pangulo, mga senador at partylist group.
Magpapatuloy ang pagboto sa ilalim ng local absentee voting hanggang sa Biyernes, April 29.
By Rianne Briones