Simula na ngayong araw ang local absentee voting para sa May 13 midterm elections.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) spokesman James Jimenez, gaganapin ang tatlong (3) araw na local absentee voting sa mga kampo at iba’t ibang tanggapan ng COMELEC hanggang Mayo 1.
Bukas ito mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon sa loob ng nasabing mga araw.
Batay sa COMELEC Resolution 10443, maaaring mag-avail ng local absentee voting ang mga opisyal o empleyado ng gobyerno, mga pulis, militar at miyembro ng media na inaasahang naka-duty sa mismong araw ng halalan, May 13.
Gayunman, kailangang nakapagpasa ang mga ito ng application forms hanggang noong March 11.