Pumalo sa record-high na 88% ang voter turnout para sa Local Absentee Voting (LAV) sa Halalan 2022.
Ito, ayon kay Acting COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, ay kumpara sa 74% LAV turnout noong 2010, 64% noong 2013 at kapwa 77% noong 2016 at 2019.
Umarangkada ang LAV simula Abril 27 hanggang 29.
Una nang iniulat ng COMELEC na mayroong 93,819 LAV applicants, na karamihan’y galing sa PNP na sinundan ng Philippine Army.