Binatikos ng local airlines ang anila’y hindi malinaw na guidelines ng ilang local government units kaugnay sa resumption ng domestic flights.
Ayon kay Roberto Lim, Vice Chairman ng Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) sinasabi ng ilang city government na kahit nasa ilalim sila ng general community quarantine ayaw pa rin nila ng mga pasahero sa kanilang nasasakupang airports.
Dahil dito n anawagan si Lim sa airport authorities tulad ng Mactan Cebu International Airport Authority, CAAP at Clark International Airport na linawin ang isyung ito para naman makapag balik operasyon na rin sa bansa ang air carriers na handa na mula nang isailalim sa gcq ang metro manila nitong Lunes, Hunyo 1.