Naghanda ang gobyerno ng Pilipinas ng Local and International Relocation Area para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa gitna ng napaulat na tension sa pagitan ng Russia.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, naipabatid na sa mga OFW ang pickup points para sa nasabing relokasyon.
Kaugnay nito, ang in-country relocation aniya ay nagpapatuloy na para sa mga filipino sa ukraine na karamihan ay mula sa Capital City ng KYIV kung saan apat na raang kilometro din ang layo nito sa naturang relocation site.
Sinabi pa ni Cacdac nan mayroon nang Identified Safe Haven o pupuntahan ang mga OFW sa labas ng ukraine sakaling lumubha ang tensyon dito.
Samantala, nasa 380 ang mga Filipino sa nabanggit na bansa. - sa panulat ni Airiam Sancho