Sisimulan nang isalang sa evaluation ang mga local election officers ng Commission on Elections o COMELEC.
Ito ay bilang paghahanda sa naka ambang pagbalasa sa mga local election officers bago matapos ang taong kasalukuyan.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, bagamat layunin ng balasahan na matiyak na walang conflict of interest sa hanay ng mga local election officials, kailangan din namang ikunsidera ang naging trabaho nila sa mga nagdaang taon.
Batay sa datos, may 16 na regional election directors, 80 provincial election supervisors at mahigit 1,500 election officers ang COMELEC sa buong bansa.
By Len Aguirre