Posibleng pangalanan na mamaya sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na opisyal partikular ang mga mayor na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Political Analyst Prof. Ramon Casiple, hindi malayong gawin ito ng Pangulo sa SONA na kilala bilang unpredictable president.
Sinabi pa ni Casiple na may mga nauna nang pinangalanang mayor si Pangulong Duterte at maaring ituloy niya mamaya ang pagpapangalan sa mga opisyal ng pamahalaan hanggang sa mga Congressman na sangkot sa iligal na droga.
Bahagi ng pahayag ni Professor Ramon Casiple
Expectations
Wala pang masyadong dapat asahan sa magiging laman ng SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na ito.
Ayon ito kay Political Analyst Professor Ramon Casiple bagamat asahan nang mababanggit ang priority programs ng administrasyon sa loob ng isang taon tulad ng federalism at anti-illegal drugs campaign.
Sinabi sa DWIZ ni Casiple na hindi siya kumbinsido na tatakbo sa 30 minuto lamang ang mismong SONA ng Pangulong Duterte.
Bahagi ng pahayag ni Professor Ramon Casiple
By Mariboy Ysibido | Judith Larino | Balitang Todong Lakas