Kalaboso ang isang local government employee sa Villaba, Leyte matapos umanong gahasain ang isang locally-stranded individual (LSI) sa loob ng binabantayan nitong quarantine facility.
Kinilala ni Villaba Mayor Jorge Veloso ang suspek na si Ronnie Condes, 49-anyos, at residente ng Barangay Tinghub sa nasabing bayan.
Sa salaysay ng biktima, kauuwi lang niya galing Cebu at bilang pagtalima sa health protocols ay sumalang siya sa 14-day quarantine period sa loob ng municipal quarantine facility.
Ngunit ginahasa umano siya ng dalawang beses ng suspek habang tinututukan ng baril sa loob ng nabanggit na pasilidad.