Isinisisi sa kahirapan ng lokal na pamahalaan ng Sulu ang problema sa Abu Sayyaf Group o ASG.
Ayon kay Sulu Governor Abdusakur Tan, masosolusyonan ang problema sa ASG kung magkakaroon ng maayos na hanapbuhay ang mga residente at uunlad ang kanilang lalawigan.
Sa ganitong paraan anya ay wala ng residenteng sasali o susuporta sa bandidong grupo upang kumita.
Iginiit ni Tan na hindi sila direktang nakatatanggp ng pondo mula sa national government kaya’t wala silang magamit sa mga proyekto na tutugon sa pangunahing kailangan ng kanilang mga kababayan.
Dumaraan pa anya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM ang kanilang pondo na kino-control naman ng ilang opisyal.
Tiniyak naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na idudulog nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hinaing ng local government ng Sulu sa pulong sa malakanyang, ngayong araw upang matuldukan na ang problema sa Abu Sayyaf.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal