Target palakasin ni Incoming Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang local employment sa oras na muling umupo bilang kalihim ng naturang kagawaran.
Aminado si Laguesma na malaking karangalan na makapagsilbi sa bayan,
Ayon sa beteranong government official, nais niyang makabuo ng “workable formula” upang mabalanse ang alalahanin ng mga employer at worker.
Target din niyang tugunan ang kawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic.
Tiniyak din Laguesma ang matatag na ugnayan ng DOLE at Department of Migrant Workers.
Si Laguesma ang napili ni Presumptive President Ferdinand Marcos Junior na maging Labor Secretary, na dati na rin niyang hinawakan sa ilalim ng mga nagdaang administrasyon nina Pangulong Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada at Benigno Aquino, III.