Pinaiimbestigahan ng lalawigan ng Cebu City ang nangyaring beach party sa isang resort dahil sa posibleng paglabag sa health protocols.
Batay sa ulat, nangyari ang naturang beach party sa Karancho Beach Resort sa barangay Maribago, kung saan nasa mahigit 100 katao ang dumalo sa nasabing lungsod.
Ayon kay Mayor Junard Ahong Chan, pinapayagan naman ang pagdiriwang kapistahan sa lungsod katulad ng handaan pero dapat sundin pa rin ang health protocols.
Inatasan na umano ng alkalde ang kapulisan na magsagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente upang mapanagot ang mga responsable.