Tinutugis na ng pulisya ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng Tinambac, Camarines Sur matapos nitong tangayin ang mahigit tatlong milyong pisong (P3-M) kaban ng bayan.
Nakilala ang suspek na si Melchor Abrazada, residente ng Barangay Sogod sa bayan ng Tinambac.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, kasama ni Abrazada na nag-withdraw ng pera ang kanilang treasurer–in-charge na kinilalang si Ma. Theresa Hermogenio – Betito sa Landbank branch sa Naga City.
Matapos anila i-withdraw ang pera na nagkakahalaga ng nasa 3.4 na milyong piso ay ibinigay ni Betito ang pera kay Abrazado.
Dito na nagpaalam si Abrazado na tatawagin lamang niya ang kanilang drayber ngunit ilang oras na ang nakalipas at hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nakababalik.