Naaresto ang isang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat at asawa nito sa isinagawang anti-drug operation ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa General Santos City noong Sabado.
Kinilala ang mga suspek na sina Joy Nadar, Treasurer ng Palimbang Local Government at asawa nito sa Jojo Nadar na hinihinalang mga miyembro ng Sogis Drugs Group.
Nakuha sa tahanan ng mag-asawang Nadar sa Barangay San Isidro ang 50 gramo ng shabu at isang rifle grenade habang narekober naman sa isa pa nilang tahanan sa Barangay City Heights ang mga bala ng baril.
Maliban dito, naniniwala din ang PDEA na sangkot sa katiwalian si Nadar dahil sa mga nakuhang dokumento ng cash liquidation.
Itinanggi naman ng mag-asawang Nadar ang mga nasabing alegasyon at iginiit na itinanim ang mga nakuhang illegal na droga.
Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Illegal Possession of Firearms.
—-