Panahon na para tanggalan ng police power ang local officials na kasama sa narco list o mga sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Ayon ito kay Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III matapos paboran ang desisyon ng National Police Commission o NAPOLCOM na isuspindi ang police power ng 25 gobernador at mayor na umano’y sangkot sa illegal drugs.
Sinabi ni Sotto na dapat na sumunod na hakbang ay suspindihin ng Department of Interior and Local Government o DILG ang mga lokal na opisyal na mapapatunayang dawit sa operasyon ng iligal na droga.
Gayunman, dapat na dumaan muna sa masusing imbestigasyon at beripikasyon ang mga nasa narco list.