Positibo ang pananaw ng grupo ng local retailers na magpapatuloy ang mabilis na pagbangon ng industriya matapos maapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Itinuturing na magiging isa sa dahilan ng muling paglago ng industriya ang mataas na vaccination rate laban sa COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Philippine Retailers Association president Rosemarie Bosch – Ong, alam na ng mga consumer kung paano harapin ang health crisis hindi kagaya noong 2020 o sa simula pa lamang ng pandemya.
Naniniwala anya sila na patungo na ang ekonomiya sa recovery at patunay nito ang pagdagsa ng mga mamimili noong nakaraang holiday season kung saan marami ang nag-shopping.
Idinagdag pa ni Ong na ang pagpasa ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o Create Act noong Marso 2021 ay nagpataas din ng tyansa ng industry players na makabangon.