Pormal nang sisimulan ng Commission on Elections o COMELEC ang local source code review sa Miyerkules, October 17, bilang preparasyon sa 2019 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, tulad noong 2016 elections, magiging bukas ito para sa mga representatives ng ibat-ibang political parties.
Malalaman sa pamamagitan ng source code ang magiging sistema ng automated elections na gaganapin sa susunod na taon.
Pahayag ni Jimenez, binubuksan talaga nila ang sistema sa mga hindi taga COMELEC upang masiguro sa publiko ang malinis na halalan sa 2019.