Hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang go signal ng World Health Organization (WHO) para makalikha ang Pilipinas ng rapid test kits para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hihilingin ng DOH sa WHO na mapabilis ang validation process para magamit ang test kits para sa mas mabilis na pagsusuri sa mga may sintomas ng COVID-19.
Kaugnay sa rapid test kits, nagkakaroon na ng ugnayan ang Department of Science and Technology sa isang grupo ng mga scientist sa University of the Philippines na nakagawa ng kits.
Sa ngayon ang pagsusuri ng mga pasyenteng hinihinalang may COVID-19 ay ginagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng DOH.