Inaasahang magagamit na ang testing kits na inimbento ng local scientist mula sa University of the Philippine (UP) National Institute of Health sa gitna na rin ng patuloy na banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon ito kay Health undersecretary Eric Domingo matapos nila aniyang payagan ang paggamit ng mga nasabing testing kits na isasalang pa rin sa genetic testing para makumpirma ang effectivity nito.
Pinayagan na po natin na gamitin ito, natingnan naman po natin. Tapos, pinayagan na po natin na gamitin pero meron pa rin pong confirmation testing na tinatawag nating genetic testing para talagang sigurado ang resulta,” ani Domingo.
Kasabay nito, ipinabatid sa DWIZ ni Domingo na magdaragdag pa sila ng isa pang testing center bilang paghahanda na rin sa posibleng pag-akyat pa ng COVID-19 cases.
Gayunman, nilinaw ni Domingo na wala pang naipapadalang testing kits sa mga lalawigan.
Sa ngayon po, dito pa lang po sa UPNIH, kasi, ang testing po natin ngayon sa isang lugar lang –sa RITM, so, magdadagdag pa po tayo ng isang testing center para kung sakaling dumami ang kailangang i-test ay maging ready ang ating pamahalaan,” ani Domingo. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas