Maaaring makakuha ng 50% diskwento sa RT-PCR test para sa COVID-19 ang mga lokal na turista.
Ito ang inihayag ng Department of Tourism (DOT) sa pakikipag-tulungan kasama ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC).
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, mula sa orihinal na presyong P1,500 na COVID-19 test sa PCMC magiging P750 na lamang ito.
Layon aniya ng programang ito na palakasin muli ang turismo sa mga lugar na binuksan na at ideklarang ligtas ng Inter-Agency Task Force and Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at Local Government Units.
Kabilang sa mga destinasyong ito ay Manila, Boracay, Palawan, Cebu, Bohol, Baguio at Ilocos Norte.