Posibleng magkaroon nang mga local na kumpanaya sa Pilipinas na makalikha ng COVID-19 vaccine sa katapusan ng 2022.
Ito ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Usec. Rowena Guevara.
Sinabi ni Guevara, mayroong anim na kumpanya na ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na gumawa ng bakuna ngunit dalawa lamang na kumpanya ang mabilis ang proseso at agresibo.
Dagdag pa ni Guevara, dapat makagawa ang bansa ng sariling vaccine manufacturing industry para lumakas ang national immunization program ng gobyerno.
Sa huli ani Guevara, kailangan makamit ng Pilipinas ang “vaccine security” para malampasan ang hirap dulot ng COVID-19 pandemic. —sa panulat ni John Jude Alabado