Isinusulong ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagpapatayo ng sariling research at development sa mga bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato “Boy” De La Peña, suportado niya ang pagtatatag ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines.
Hindi lang anya COVID-19 vaccine ang kailangan ng bansa at kahit maging endemic mula sa pagiging pandemic category ay kailangan talaga ang bakuna lalo’t paulit-ulit ang mga sakit gaya ng flu.
Binigyang diin ng kalihim ang kahalagahan ng technical service at ang tinatawag na technology transfer activities kaya ang mga laboratoryo na kanilang ipino-propose, technical facilities ay ilalagay sa virology and vaccine institute para sa tao, hayop at halaman.
Noong isang taon pa ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso na magpasa ng batas na magtatatag ng Center for Disease Prevention and Control at Virology at Vaccine Institute of the Philippines.