Nagbabala ang Pan American Health Organization (PAHO) sa mga bansa sa rehiyon na posibleng patuloy na maranasan ng mga ito ang localized COVID-19 outbreaks hanggang 2022.
Ayon sa PAHO, bagama’t nagpapatuloy ang pagbabakuna kontra COVID-19, malaking problema ang hindi pagkakapantay-pantay sa pamamahagi ng bakuna partikular sa mga mahihirap na bansa sa latin America.
Ibig sabihin umano nito, kailangan ng gumawa ng mga hakbang para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus.
Kabilang na rito ang maagang pag-detect sa mga kaso, agarang isolation ng mga kumpirmadong kaso at pagpapaigting tracing at quarantine contacts.