Mas pipiliin ng gobyerno ang magpatupad ng localized lockdown kontra sa mas nakahahawang COVID-19 Delta Variant sa kabila ng pagpasok nito sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagaman dapat mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, hindi naman nais ng pamahalaan na dumami ang nagugutom.
Ang tangi anyang apela ni Pangulong Duterte lalo sa mga lokal na pamahalaan maging sa publiko ay magsuot ng face masks, maghugas ng kamay, panatilihin ang physical distancing at magpabuka.
Kabilang anya sa mga isinailalim sa enhanced community quarantine lalawigan ng Iloilo, Iloilo City, Cagayan De Oro at Gingoog City makaraang matukoy sa mga naturang lugar ang local cases ng Delta Variant.
“Ang presidente naman po ay nag-rerely sa datos galing sa mga dalubhasa mula DOH, mga taga-NTF… and will not hesitate in fact to increase yung community quarantines if grounds will do so at napakita na po nya yan hindi naman po tayo mag-impose ng ECQ kung wala pong dahilan alam ko dahilan natin mahirap ang ECQ pero pinagdaanan po yan ng NCR Plus 8 isang bagay na we have to sort to it under to go to promoting health at hindi po nagh-aatubili ang atin pong presidente.” Pahayag ni Sec. Harry Roque.
—sa panulat ni Drew Nacino