Pinakamabisa at epektibong paraan ang pagpapatupad ng mga localized lockdown para makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang iginiit ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año dahil tiyak na nata-target nito ang mga lugar na may mataas na bilang ng mga suspected at probable COVID-19 case.
Paliwanag ni Año, kapag naipatupad kasi ang localized lockdown naihihiwalay nito mula sa iba pang komunidad ang natukoy na hot zones at napipigilan ang pagkalat ng virus.
Sa ngayon aniya ay nasa 112 mga barangay na sa buong bansa ang isinailalim sa localized lockdown sa gitna pa rin ng kinahahara na pandemiya sa COVID-19.
Sa nabanggit na bilang, 67 sa mga ito ay mga lugar mula sa Cordillera Autonomous Region (CAR), 18 National Capital Region (NCR), 19 sa Cebu City, lima sa Cagayan De Oro City at tig-isa sa Cavite, Quezon Province at Leyte.