Kasado na ang localized lockdown sa Barangay San Isidro, Parañaque City upang mapigilan ang paglaganap ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Layunin ng kautusan na maisagawa ng mga health workers ang malawakang swab tests sa mga residente ng barangay.
Matatandaang ipinag-utos ng pamahalaang lungsod ng Parañaque ang pagpapatupad ng localized lockdown upang matutukan ang pagsasagawa ng COVID-19 tests at disinfection sa naturang lugar.