Itinutulak ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagkakaroon ng localized lockdown dahil sa sumisirit na kaso ng COVID-19.
Ayon kay NEDA Secretary Karl Kendrick Chua, hindi naman sa mas pinipili ng ahensya ang ekonomiya kaysa sa estado ng kalusugan ng sinuman, pero mas tinututukan anila ang kapakanan ng Philippine population o pinagsamang ekonomiya at kapakanan ng sambayanan.
Dagdag pa ni Chua, mas makabubuting pagtuunan ng pamahalaan ang pagtugon laban sa virus nang sa ganoon at pagpapatupad ng localized lockdowns para hindi na maapektuhan pa ang kabuhayan o pinagkakakitaan ng nakararami.
Giit pa ni Chua, sa ngayon hindi ekonomiya o kalusugan ang kalaban ng bansa, kung hindi ang buong kapakanan ng bawat isa mapa-isyu man ng COVID-19, mga sakit na dulot ng ibang dahilan, at maging ang kagutuman.