Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na mas epektibo ang isinasagawang localized peace talks sa hanay ng New People’s Army (NPA).
Kasunod na rin ito nang pagtanggap ng European Union at Belgium sa kahilingan ng afp na putulin na ang pagbibigay ng donasyon sa ilang grupong nagsisilbing frontliners ng CPP-NPA-NDF.
Ayon kay PNP Spokesman Police Coronel Bernard Banac, magandang development ang hakbang ng eu at belgium dahil tiyak na mawawalan na ng makinarya ang mga komunista para palaganapin pa ang kanilang ideology at para na rin matamo ang pang matagalang kapayapaan.
Kabilang umano sa mga grupong ito ay Ibon foundation, Rural Missionaries of the Philippines, Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development, Gabriela at Allice of Concerned Teachers (ACT).