Ikinakasa na ng pamahalaan ang localized peace talks sa mga komunistang grupo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakatakda nang magpulong ang cabinet cluster on security para bumuo ng guidelines na susundin sa pakikipag-usap sa mga komunistang narito mismo sa Pilipinas.
Sa kabila nito, sinabi ni Roque na nananatiling bukas ang pamahalaan sa pakikipag-usap sa pamunuan ng National Democratic Front of the Philippines.
Gayunamn, matigas anya ang paninindigan ng Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang itigil ang lahat ng aktibidad NPA habang ginaganap ang pag-uusap.
Iginiit ni Roque ang kahandaan ng pamahalaan na sagutin ang lahat ng pangangailangan ng mga rebelde habang isinasagawa ang peace talks.
—-