Isusulong ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang localized peace talks sa mga rebeldeng komunista sakaling tuluyang maunsyami ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno at NDF-CPP-NPA.
Naniniwala si DILG Officer-in-Charge Eduardo Año na mas maraming rebelde ang lalahok sa local peace talks lalo’t may malaking epekto ito sa sitwasyon ng mga mamamayan sa mga lokal na komunidad.
Una ng inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring isulong ang localized peace talks basta’t tumatalima ito sa guidelines na napagkasunduan ng Cabinet Cluster on Security.
Gayunman, Iginiit ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na magiging hindi epektibo kung magsasagawa ng sariling peace talks ang mga local government unit lalo’t ginawa na ito noon subalit wala namang nangyari.
—-