Tinanggihan ng CPP o Communist Party of the Philippines ang localized peacetalks na isinusulong ng gobyernong Duterte.
Ayon sa CPP pagpapanggap lamang at walang kahahantungan ang localized peacetalks na pagsasayang lang din ng pera ng mga mamamayan.
Sinabi pa ng CPP na magagamit lamang din ang localized peacetalks sa katiwalian dahil tanging mga local official at militar lamang ang makikinabang dito.
Una nang inihayag ng Palasyo na maglalabas ang Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order na maglalaman ng guidelines para sa localized peacetalks.