Suportado ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapatupad ng localized quarantines at mas pinahigpit na restrictions sa halip na malawakang lockdown.
Ayon kay acting socioeconomic planning Secretary Karl Kendrick Chua, ang mga hakbang na ito ay makatutulong para mapigil ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 sa bansa ngunit hindi nito napigilan ang pagbangon ng ekonomiya.
Sa oras kasi aniya na magpatupad muli ng tinatawag na “blanket lockdown”, aabot sa P2.1-B daily wages na naman ang mawawala.
Ngunit sa calibrated at localized quarantines na ito, hindi gaanong maaapektuhan ang mga trabaho o hanapbuhay ng mamamayan.