Sisimulan na ngayong araw ang pagdaraos ng localized ‘Traslacion’ o pag-iikot ng imahe ng poong Itim na Nazareno sa ilang lugar sa bansa.
Ito ay bilang bahagi ng adjustments na ginawa ng simbahan dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church), unang dadalhin ang imahe ng Itim na Nazareno sa Our Lady of the Angels Parish Church sa Quezon Province.
Muli namang hinimok ni Fr. Badong ang mga deboto na sa kanilang simbahan na lamang muna mag-novena dahil hindi aniya kakayanin ng Quiapo Church ang normal na bilang ng mga puwedeng magsimba.
Una nang sinabi ng simbahan na suspendido muli ang tradisyunal na Traslacion upang maiwasan ang siksikan sa gitna pa rin ng pandemya. —sa panulat ni Hya Ludivico