Isinailalim sa lockdown ang 49 na lugar sa Quezon City matapos tumaas ang kaso ng COVID-19.
Ayon sa pamahalaang lokal ng Quezon City, posible pang magbago ang kaso ng COVID-19 dahil sa isinasagawang community-based testing.
Nabatid na nasa 9,089 na ang active COVID-19 cases sa lungsod habang tinatapos naman ng mga residente ang mandatory 14-day quarantine.
Sa ngayon, patuloy pang minomonitor ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ang kaso ng COVID-19 sa lungsod. —sa panulat ni Angelica Doctolero