Nagpatupad na ng lockdown ang mga otoridad sa 6 na bayan sa Batangas na apektado sa sitwasyon ng bulkang Taal.
Ayon kay Brig. Gen. Marcillano Teofilo, pinuno ng Task Force Taal ng Philippine Army, layon ng naturang hakbang na iligtas ang mga residente sa naturang mga bayan sa nakaambang kapahamakan dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal.
Naglagay na umano sila ng checkpoint sa entry at exit points para maharang ang mga motorista o residenteng magpipilit na bumalik sa kanilang tahanan.
Kasabay nito, humingi ng pang-unawa ang mga otoridad sa lahat ng residenteng apektado.
Kabilang sa mga bayan na nilagay lockdown ay ang Talisay, Balete, Lemery, San Nicolas, Agoncillo at Laurel.