Malabong ipag-utos ng mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng lockdown sa mismong araw ng Halalan.
Ito ang sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo kaugnay sa pangamba ng publiko na maaaring gawing armas ng mga lokal na opisyal na may political agenda upang alisan ng karapatan ang mga botante sa araw ng halalan.
Aniya, hindi maaaring magdesisyon ang mga LGU hinggil sa election-related matters.
Samantala, sinabi ni Casquejo na ang Comelec ang may pinal na desisyon sa mangyayari sa Halalan na nakatakda sa May 9, 2022.–-sa panulat ni Airiam Sancho