Pinalawig ni Laoag City Mayor Michael Keon ang pinatutupad na lockdown sa City Public Market and Commercial Complex.
Batay sa Executive Order ni Keon, epektibo nitong December 5 ang quarantine extension na layuning matapos ang isinasagawang contact tracing at COVID-19 testing sa lungsod.
Sa kasalukuyan, mayroon pang 159 na active cases sa Laoag City habang mahigit isang daang inmates naman sa Ilocos Norte Provincial Jail ang nagpositibo sa virus.
Kabilang sa mga tinamaan ng sakit ay ang ilang market vendors at empleyado ng city hall.