Tinanggal na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang ipinatupad na lockdown sa punong tanggapan ng Department Of Justice (DOJ) sa Manila.
Ayon kay Guevarra, kanyang sinunod ang rekomendasyon ni Undersecretary Lean Sunga na alisin na ang lockdown sa DOJ office.
Ito ay makaraang matapos na ang isinagawang sanitation at disinfection sa lahat ng kuwarto sa isinarang gusali ng kagawaran mula Hunyo 18 hanggang 27.
Una nang sinabi ni Guevarra na muli nang ibabalik ang ilan sa mga on-site work oras na tanggalin na ang lockdown.