Napagkasunduan ng pamahalaan ng bansang Germany na palawigin ang umiiral doong lockdown hanggang Pebrero 14 upang tuluyang mapababa ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Berlin Mayor Michael Mueller bumaba ang kaso ng COVID-19 nitong mga nakaraang linggo, gumagaan na rin ang kalagayan sa Intensive Care Units (ICU) ng mga ospital.
Subalit pinangangambahan nito ang posibilidad na pagdami ng kaso dahil sa bagong COVID-19 variants at aniya’y kailangang pang mas pag-igtingin ang working from home set-up.
Matatandaang hanggang katapusan lamang ng Enero ang itinakdang haba ng lockdown sa Germany.— sa panulat ni Agustina Nolasco.