Tinitignan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Muntinlupa na paabutin pa ng hanggang sa 14-na-araw ang umiiral na extreme lockdown sa Morning Breeze sa Alabang sa Muntinlupa.
Ito ang dahilan kung kaya’t nagpatawag ng isang emergency meeting si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi kahapon, Mayo 4.
Nauna rito, naitala ng lungsod ang 6 na nagpositibo sa COVID-19 at 33 mga suspected cases sa nakamamatay na virus.
Kasunod nito, kasalukuyang nasa mga isolation facilities na ng lungsod ang mga nadapuan ng COVID-19.
Samantala, inihayag din ni Mayor Fresnedi na magsasagawa ang health office ng lungsod ng mass testing sa morning breeze.