Hindi pa rin binabawi o inaalis ng Oman ang ipinatutupad nilang lockdown kasunod ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Hanggang sa ngayon ay wala paring ibinibigay na pahayag ang Oman government kung kelan matatapos ang lockdown implementation kung saan mandatory parin ang pagsusuot ng facemask at pag-obserba ng social distancing.
Agad namang ipinaaaresto ng pamahalaan ng Oman ang lahat ng mga lalabag sa mga nakapaloob na polisiya ng lockdown.
Bunsod nito, hindi naman nagkakaroon ng malaking problema ang Oman sa pagpapatupad ng lockdown dahil disiplinado at talagang sumusunod umano ang mga mamamayan ng naturang bansa.
Kasabay nito, wala umanong problema ang mga OFW’s sa Oman dahil kahit pansamanatalang natigil ang kanilang trabaho, tuloy-tuloy parin daw ang pagbibigay ng ayuda sa kanila ng embahada ng Pilipinas doon.