Hindi inirerekomenda ng OCTA Research Group ang pagpapatupad muli ng lockdowns sa kabila ng projection na posibleng umabot sa 50,000 hanggang 100,000 ang COVID-19 cases sa mga susunod na panahon.
Kasabay nito, muling ibinabala ni OCTA Research Fellow, Dr. Guido David na maaaring makaranas ng panibagong COVID-19 surge ang Pilipinas, gaya sa South Africa at India.
Gayunman, hindi anya nila nakikitang akma pa ang mga lockdown lalo’t nakatutok ang gobyerno sa economic recovery ng bansa.
Hinimok naman ni David ang publiko na iwasang mag-over-react sa posibleng surge ng COVID-19 dahil kakayanin itong harapin kung patuloy na tatalima sa minimum public health standards, bukod pa sa pagpapabakuna.