Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na kanya munang hihintayin ang anumang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bago mag-file ng diplomatic protest ang ahensya laban sa China.
Ito’y ayon kay locsin matapos na mamataan ang 220 na mga Chinese militia vessels sa Julian Felipe reef sa West Philippine Sea.
Sa isang twitter post, sinabi ni Locsin na bukod sa mga heneral ng ating sandatahang lakas ay wala na siya hihingan ng anumang payo hinggil sa pagfa-file ng diplomatic protest laban sa China.
Kasunod nito, binigyang diin ni Locsin na sa kanyang panunungkulan bilang Foreign Affairs secretary ay kanyang titiyaking nasa maayos at mananatiling mababantayan ang anumang sulok ng ating teritoryo.