Hiniling ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin kay Senate President Tito Sotto na magpanday ng batas para i-decriminalize ang libel.
Idinaan ito ni Locsin sa Twitter matapos na ma convict sa cyberlibel si Rappler CEO Maria Ressa at dating Rappler researcher Reynaldo Santos Jr.
Ayon kay Locsin, dapat tanggalin na ang parusang kulong sa libel case at limitahan ang parusa sa pagmumulta.
Kung tutuusin anya ay mas masakit pa ang pagmumulta kaysa kulong dahil puwede itong magresulta sa pagka bankrupt ng isang mamamahayag.