Humingi ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. sa pamahalaan ng United Kingdom.
Kasunod ito ng insidente ng pagkasawi ng isang British national sa Cebu matapos na tanggihan umano ng isang ospital sa lalawigan.
Ayon kay Locsin, isinugod sa isang ospital sa Mandaue City ang Briton na kinilalang lamang sa pangalang Barry matapos na atakehin sa puso.
Gayunman tinanggihan ito ng nabanggit na ospital at pinayuhang lumipat sa kabilang ospital sa Cebu City.
Dagdag ni Locsin, pinaghintay pa sa ambulansiya ang Briton sa loob ng walong oras kung saan ito nasawi.