Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Teodoro “Boy” Locsin bilang susunod na Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary.
Ito ang inanunsyo mismo ng Pangulo sa kaniyang pagdating sa bansa mula sa pagdalo sa ASEAN Leaders’ Gathering sa Indonesia.
Ayon kay Pangulong Duterte, si Locsin ang kaniyang napiling pumalit kay Secretary Alan Peter Cayetano na nakatakda namang tumakbo bilang congressman ng Taguig City.
Kasunod nito, tinanggap na ni Ambassador to UN Teddy Boy Locsin ang posisyon bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa kanyang Twitter account, kinumpirma ni Locsin na inialok sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte ang posisyon.
Hindi aniya siya tumanggi sa Pangulo tulad ng hindi niya pagtanggi nang italaga siyang kinatawan ng bansa sa United Nations.
—-