Kinastigo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang House of Representatives bunsod ng nangyaring tigil-operasyon ng ABS-CBN Corp.
Sa serye ng posts sa Twitter, hayagang sinisi ni Locsin ang NTC, gayundin ang mga mambabatas sa sinapit ng Kapamilya Network.
Giit ni Locsin, gusto man o hindi ng mga kongresista ang isang kompanya, mahalaga pa ring i-prayoridad ang media franchise sa ilalim ng gobyernong nakasentro sa demokrasya.
Matatandaang naging host muna si Locsin ng public affairs program na “Assignment” sa ABS-CBN bago naging mambabatas.