Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang paghahain ng isa pang diplomatic protest laban sa China.
Ayon kay Locsin, ginawa ito ng bansa dahil sa paulit-ulit na pagdaan ng Chinese warships sa katubigang teritoryo ng Pilipinas.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Locsin na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang dinadaan ng mga nasabing warships at isang trespassing ang ginawa ng mga ito.
Ang hakbang ni Locsin ay kasunod na rin nang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakakairita na ang pagdaan ng Chinese warships sa terrotorial waters ng bansa ng walang pasabi.