Nagbabala si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na papatayin kung sinuman ang hihingi ng birth certificate bilang requirements para sa pagpapa-renew ng pasaporte.
Ito ang naging sagot ni Locsin sa tanong ng isang netizens kung kailangan pa ba ang birth certificate para sa passport renewal.
Ayon kay Locsin inalis na ito bilang requirements ang birth certificate dahil sinabi aniya ng isang dating mataas na opisyal ng dfa na walang saysay ang paghingi nito.
Magugunitang nitong Enero, tinanggal na ni Locsin bilang passport renewal requirement ang mga birth certificate sa pamamagitan ng kanyang ipinalabas na Department Order 03-2019.
—-